Wednesday, January 28, 2015

YOU BE THE JUDGE: Trudis' Veterinarian Speaks Out






For the spirit of fairness, I am posting the reply of Trudis’ veterinarian to allegations of negligence on his part, for not having saved Trudis’ life, and her four puppies.

Here it is, lifted from the Facebook page of Philippine Animal Lovers Society (PALS), and you be the judge:


Minsan ko lang po sasagutin ang pahayag na ito. 

Nauunawan ko ang iyong pagdadalamhati pero hindi naman makatuwiran na sirain mo ako sa pagbabago mo sa totoong pangyayari. Ginawa ko lang ang alam kong tama. Dumating sa klinika ko ang mga kapamilya mo as early as 3 o’clock in the morning at tinanggap ko silang mga tunay na tao. Nang makita ko ang aso mo, naka-online ka gamit ang video call. Grabe ang iyak mo dahil alam mo ang totoong kondisyon ng aso mo, Sabi pa ng isa sa kanila, “Papatay na yata”. I checked all the possibilities of being pregnant particularly the mammary gland and the vulva but I found no signs of pregnancy. Dehydrated siya, naninilaw at hirap huminga. Yes, I gave her Atropine Sulfate as antidote for I found signs of poisoning. It's supposed to be given intravenously but due to collapsed blood vessels, it was administered intramascularly. After less than ten seconds of administration your dog passed away, so imposible na epekto iyon ng gamot na ibinigay ko. Binigyan ko pa nga siya ng Cardio Respiratory Stimulant hoping na ma-revive ko siya. Kung totoong buntis nga ang aso mo kagaya ng sinasabi mo, hindi naman nakakaapekto sa mga puppies ang gamot na iyon, considering that the said medicine is also necessary as pre-anaesthetic agent in performing caesarian section, so how come that it caused harm to your dog and puppies as you claimed. Kung CS ang solusyon para ma-save ang aso mo, imposible dahil kahit sinong veterinarian hindi gagawin iyon dahil critical ang kanyang kondisyon. Wala rin akong sinabing “Liver Burst”, but instead I used the term INFECTIOUS CANINE HEPATITIS. Sana lang nai-share mo rin na hindi tumagal ang aso mo ng wala pang dalawang minuto buhat nang pumasok sa clinic hanggang sa mamatay. Sana i-post mo rin ang video ng aso mo at ang papel kung saan nakasulat ang mga gamot na ibinigay ko ganoon din ang diagnosis ko. Kung may pagkakamali man ako na hindi ko eksaktong na diagnose na buntis ang aso mo, wala namang kinalaman iyon para mamatay siya kaagad. 

Sa mga nag re-react negatively, alamin muna sana ninyo ang katotohanan bago kayo manghusga. Kung pagkakamali ang magbigay lunas sa emergency case kahit imposible nang mabuhay dahil sa kritikal na kondisyon kayo na ang humusga. Katotohanan lang sana ang maging basehan.

Kindly share! 

- DR. DOODS

(Dr. Leonardo Esteleyde)




1 comment: