Sunday, September 13, 2015

HOW TO COOK FRIED RICE WITH FEELINGS (ORIGINAL)






Heat 2 tablespoons of cooking oil in a wide pan. Pero yung katamtaman na init lang ha. Hindi yung kasing init na pagsasama natin noon. Unti unti ng lumalamig di ba?

Then add 5 cloves of crushed garlic. Yung dinurog at tinadtad, gaya ng pagdurog mo sa puso ko. At dahil katamtaman lang ang init, dahan dahan mong lutuin ang bawang. Oo dahan dahan, mag dahan dahan ka naman sa panloloko mo sa akin.

Now add 3 cups of cooked rice. Haluin mo ng mabuti. Hanggang maging tulad siya ng nag halo halo ko ng emosyon pag naiisip kita.

Continue to cook for three minutes. Parang nag-uusap lang tayo, matagal na ang tatlong minuto.

At para di maging kasing tabang ng pagsasama natin, lagyan mo ng kaunting asin, para maging malasa naman.

Transfer to a serving plate. Bahala ka kung anong ulam gusto mo. Ikaw naman lagi nasusunod di ba? So hindi na ako mag susuggest.

Happy eating Hon! 

Mabulunan ka sana hanggang sa kailaliman ng baga mo.





    

No comments:

Post a Comment